Naalala Ko Lang

Naalala ko noon, tayo ay labing isa pa. Ipinagbuklod buklod dahil mga pare-prehong hindi tinatanggap ng mga kaklase. Pare-pareho kasing mga bagong salta sa sambayanan ng mga section two.

Naalala ko noon, dalawang grupo pa tayo (pero lagi ding magkakasama) bago maging tuluyang isa. Yung isa, pamilya na ang pangalan ay nakuha mula sa isang patalastas ng gatas pambata. Yung isa naman pinagsama-samang mga unang letra ng pangalan, maliban sa isa na mula sa apelyido.

Naalala ko noon, nasa isang lamesa tayong magkakatabi sa laboratory sa chemistry. Yung mga nasa harap, yung mga gumagawa ng assignment kay Sir A, yung mga nasa likod, nagtatago. Takot matawag para saguting ang mahirap ispelengin na tanong ni Sir A.

Naalala ko noon, sabay sabay pa tayong kumakanta para sa mga naging guro natin na nagpunta sa school para doon kunin ang kanilang Prof.Ed 15 (Practice Teaching).  Kahit yung iba sa atin bathroom singer lang. Gora pa din kapag tinawag na ang Osh Kosh. Tayo yun eh. Bawal K.J.

Naalala ko noon sa Market Market tayo unang naglagalag. Pare-parehas na nakasukbit ang pin natin na “Pearlianz”. Nagpaligsahan sa paunahan sa pag-ubos ng Jaw Breaker.

Naalala ko noon, nang mag-fourth year na tayo. Chumupi yung dalawa kase nilipat sila sa ibang section. Nagpatuloy pa rin ang buhay kase wala na rin yung ibang nang-aaway sa atin. Nakahinga na tayo ng normal at walang pangamba sa mga ikikilos natin.

Naalala ko noon, ang mga kalokohan tuwing English Time. Magtataas ng kamay para magbigay ng halimbawang pangungusap na tungkol sa kagagahan o kahihiyan nang isa. Meron pa ngang love story tungkol sa paru-paru at ipis na nagkaanak na Moth.

Naalala ko noon ang paramihan ng unli rice sa Mang Inasal nang mag-birthday sina Irish at Chelsea. Ayaw paawat ni Jazmin para siya ang title holder. Ang ending ng araw na ito ay walk-a-thon sa Glorietta para huntingin ang Lost Symbol ni Daddy D.B.

Naalala ko noon, ang apat na isip bata na akala mo mga walang nanay para pagpilitang anak sila ni Kate. Kanya kanyang ka-fragmented-an ang ipinapakita, mapilit lang si Kate na gawin siyang anak. Ang kaso, ikaw ba mag-aampon ng may psychological na sapak?

Naalala ko noon, ang pinaka-nakakakilig na love story ng moogle beast at ng patpating ermitanyo na feeling pogi. Halos ipinagpipilitan natin na silang dalawa ang para sa isa’t isa, to the point na may nahulog sa kanila. Ang ending, andaming nalink kay ermitanyo kaya lalong nagpumilit na gwapo daw siya *pwee*

Naalala ko noon, naadik tayo sa isang Korean Girl Group at ipinagpilitan ang sarili na tayo ang mga younger version nila. May kanya kanya pa nga tayong toka kung sino tayo. Inangkin din natin ang pangalan nila at ginwang ng sariling meaning ang acronym na pinush ni Luna, “Samahan ng Super Danda” kahit na sabi  ni Mam D sa atin na “Super Daldal” daw iyon.

Naalala ko noon, ang unang punta natin sa SM Manila. Sembreak yun pero nagpunta tayo doon para mag-dinner. Late na kase tayo pinaalis ni Mam D noon sa computer Lab. Nagpasa ata tayo ng project nun.

Naalala ko noon, yung sunod nating punta sa SM Manila, nanood tayo ng splice tapos after some months pinanuod natin sa bahay yung UnCut Version. Alam niyo yan. Yung araw na din ito pala natin binili yung bracelet na sinabi natin na kung sino ang makawala noon, manlilibre sa pagkikita kita natin sa First Year College. Asan na kaya yun? Sana pala nag-swear tayo sa River of Styx.

Naalala ko noon, nagkaroon ng mga away away. Merong naayos, merong nagulo. Baha ang luha. Hanggang sa isa ata ang nawala. Pinagsisihan ko ito. Pero, ito ata ang simula nang lahat. Ewan.

Naalala ko noon, huling gala natin. Kuhaan ng card pagkatapos ng Grad. Rites.  Nagpunta tayo sa SM Manila at Rizal park. Masaya pang lahat na nag-uusap usap. Nangangarap at nagpplano sa buhay kolehiyo. Sabi niyo pa nga, bawal umiyak kase magkikita-kita pa naman tayo.

Naalala ko noon, ang napakarami pang mga alaala.  Nabubuhay pa sa aking mga ulirat at kamalayan. Palaging nababalik-tanawan. Minsan napapatawa, minsan napapaluha, minsan nagsisise. Pero higit sa lahat, napapatunayan ang pilosopiya ni Herder, nagbabago ang lahat sa pagbabago ng panahon.

Pero.

Salamat kay alaala. Salamat minulat ako sa kolehiyo kung paano sila pahalagahan. Salamat dahil hindi siya nagbabago. Ganung ganun pa din siya kahit yung mga kasama mo sa alaala na yun, pati ang panahon nagbago na. Ang kaso lang dito ay kagaya sa kasaysayan. May iba’t ibang interpretasyon depende sa taong bumubuhay nito.

Ayos lang sa aking kung iba ang magiging interpretasyon mo sa pagbabaliktanaw ng mga alaala natin. Nabanggit man o hindi.  Ang mahalaga, naaalala mo ang linya sa awit ni Ely Buendia.

Minsan, naging tunay tayong magkaibigan

tokz

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s