Accept The Fault in Our Stars.

  I am so outdated, alam ko. Pero, I have reread The Fault In Our Stars. Binasa ko ulit siya to check kung iiyak ako sa death ni Augustus Waters kase, Promise. Nasabihan ako na manhid dahil hindi ako umiyak sa pagkamatay niya  after kong mabasa yun the first time at while watching the movie. Ang endpoint nang pangalawang adventure ko with Hazel and Gus, hindi pa rin ako naiyak.

Pero, hindi ako manhid. Mas lalo ko lang naintindihan kung bakit sinulat yung book o kung ano yung gusto ni Tito John Green na matutunan natin habang binabasa yung The Fault In our Stars. And, yes it is a novel of reality. Kahit YA lang siya hindi mo siya masasabing light novel lang siya kase napaka-masimbolismo ng nobelang ito. At, hindi ko pa masyadong nabbreakdown yung ibang simbolismo na yun.

The Fault In Our Stars. Ano ba ang tinutukoy dito na “Fault” in “Our Stars”?  Base sa pagkakainitindi ko sa nobela, maaring sinisimbolo ng stars ay ang ating “fate” or ang ‘life” per se. Di ba nga sa sulat ni Peter Van Houten sa kanila ginamit niya ang quote sa Julius Caesar ni William Shakespeare na “The fault, dear Brutus, is not in our stars, but in ourselves ” Sa pagkakaintindi ko dito sinasabi na hindi sa “stars” may mali pero sa sarili mo. Nasa iyo ang mali kase you fail to accpet your stars.

Siguro yan ang gustong sabihin ni John Green. We fail to accept our stars. Maybe TFIOS is a novel of accpetance kase sa nakikita ko, maraming bagay dito na hindi kayang tanggapin yung mga character. Hindi matanggap ni Hazel na ganun na lang yung ending ng An Imperial Affliction. Hindi matanggap ni Isaac na bulag na siya at dahil doon nakipagbreak si Monica sa kanya. Hindi matanggap ni Gus na may mga taong makakalimot sa kanya.Hindi matanggap ni Van Houten yung mga bisita niya, na may mga taong may cancer din na mas nagtagal kesa sa anak niya, at hindi niya matanggap na patay na yung anak niya. Marami pa akong napansin pero ang bottomline, hindi nila matanggap na ganun na yung kinahinatnan nila. Kagaya natin, hindi natin matanggap na namatay si Gus at ganun ang naging ending ng pinakamamahal nating nobela.

Pero di ba kung hindi mamamatay si Gus, hindi natin mamahalin yung nobela na TFIOS kase papanget yun at for sure, Ayaw ni Tito John Green na mamuhay tayo sa fantasy na nabuhay si Gus, nagkaroon ng miracle kase that is the bullshit thing to do. Gusto niya tayong imulat sa reality na “Some Infinities are bigger than other Infinities.”, na lahat may ending, may mamamatay at may mga bagay na ayaw nating matapos pero kailangan matapos. Kailangan nating tanggapin yung mga bagay na hindi natin kayang tanggapin kase “hanggang ganun na lang” talaga.

So we shouldn’t blame the stars if anything shitty happens to us kase yun ang buhay, Kasama yun. Ang panget naman ng buhay na walang pitfalls o na walang challenge sa emotions natin. We just need to embrace it. Tanggapin natin yun kase adventure yun. I’m sure ayaw mo naman mabuhay sa pekeng fantasy di ba? Fantasy na papaasahin ka lang. mas masaya kapag may touch to ng reality. Wag mong sisihin ang buhay, because maybe the fault in out stars is the failure to accept the stars itself.

Advertisements

One thought on “Accept The Fault in Our Stars.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s