Kalayaan.

(sinaluta ko ito noong nakaraang taon paat nilagay sa FB.)

.

.

.

Araw na naman ng Kalayaan

Isang araw na pinaghahandaan.

Subalit kamusta nga ba ang bayan?

Patuloy na atang hindi ito pinahalagahan.

.

Kung sa sinabi ko’y ikaw ay tututol man.

Sa amin ito’y iyong patunayan.

Sa pamamagitan ng Kasaysayan

Ikwento kung paano nakamit ang kasarinlan.

.

Ikaw ba ay nahihirapan?

Alam ko na ata ang dahilan.

Kaya mahalaga sa iyo ang kalayaan,

Ika’y malayang mahalin ang dayuhan.

.

O di ba? Ako’y tama naman.

Nagalit ka pa nga dahil ika’y pinakialaman

Nang isang taong nagmamahal sa bayan.

Siya lang naman ay nag-aalala sa ating kabataan.

.

Ang mga gaya nila’y maraming pinangangambahan.

Dahil marami na tayong nakakalimutan.

Itong tinatamasa natin, di inaalagaan.

Sa isipan, patuloy na sinasakop ng taga ibang bayan.

.

Sa mga bayani, tayo’y maawa naman.

Buhay nila, tayo ang pinag-alayan

Tubuan naman tayo ng kahihiyan.

Yapak nila’y ating sundan

.

Sa bansang ating tinitir’han

Tayo’y may tungkuling dapat gampanan.

Ang ipagpatuloy ang wagas na pagmamahalan.

Nating mga mamayan at ni Inang Bayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s