Imagining our “Paper Towns”

Since it is Paper Towns Season dahil sa pagkakarelease ng movie so I decided to post my reflestions about it, after reading eons ago. LOL.

Written December 22,…

Its been weeks since nabasa ko yung “Paper Towns” ni John Green pero yung message nun. Yung reality na gustong ipakita sa akin ngayon lang halos unti unting nag-sisink in sa akin. Ngayon lang sinisimulang iproseso ng utak ko.

Sa kwento na yun, binigyang diin ni John Green kung paano tayo mag-imagine ng mga bagay bagay at kung paanong sa utak lang natin yun. Tayo lang ang nag-iisip nun. Hindi natin alam kung tama ba ang naiisip natin hanggang sa magkaroon ng isang “confrontation” or something like that . Kagaya na lang sa kwento, hinanap ni Quentin Jacoben si Margo Roth Spigelman kase akala niya gusto nito magpahanap. Na naglagay ito ng clue kung paano malalaman kung nasaan siya nagpunta. Ang hindi niya alam, umalis si Margo kase gusto niya matutong maging independent, gusto niya mag-isa para maipakita niya sa sarili niya kung sino siya at hindi sa kung sino siya para sa ibang tao. Margo is different from what she desire to what she acts in front of other people.

Somehow, nailagay ko ang sarili ko sa kwento. Napaisip ako kung ang iniisip ba nang ibang tao sa akin ay yung ako na nasa isip ko. Napatunayan ko ito noong Christmas Party namin. Nagkaroon kami nang parang recollection thingy. Yung magbibigay yung kaklase mo sa iyon nang papel depende sa kulay na may meaning tapos sasabihin niya kung bakit. Nagulat ako sa mga iniisip ng tao sa akin kase hindi ako makapaniwala. Kagaya ni Jeanny, sinabi niya sa akin na gusto niya daw yung ideya ko kapag maggroupwork pero ang nasa isip ko I always fail them kase my suggestions are flaws. Kay Nanay Jane, sabi niya masarap daw akong asarin  kase ang bait bait ako at masyado akong matagal mapikon kahit na para sa akin pag naiisip kong napipikon ako ang pikunin kong tao. At marami pang iba.

Hindi ko alam na ganun ang naiisip sa akin ng mga tao kase pakiramdam ko I am always a failure. Na ang bata bata ko pa. Na ang tanga tanga ko mag-isip.Na wala akong kwenta. Kahit papano nacomfort ako ng gawain na yun.

Siguro, ganun talaga, everyone has their series of imaginations kung ano ba ito, sino ba siya at hindi natin kayang hawakan yung mga nasa isip nila para lang pilitin na makagawa tayo nang magandang impression sa kanila. Ito na rin siguro ang paliwanag kung bakit masama ang mag-please ng tao kase yung impressions ng tao ay isang series ng imahinasyon. Walang kang magagawa kundi to act as who your heart wanted you to be and be responsible about that. You don”t need to give a damn to who others think you are kase maniwala ka man o hindi kahit ikaw hindi mo kilala kung sino ka ba talaga.

Just Act Your Heart.

P.S. Paper Towns – sa pagkakaintindi ko kase sa kwento it represents fictitious place, ginamit ko siya as a title kase nga we are imagining fictitious identity….. we are all paper characters living in a paper towns parang ganun. Di ko pa napoproseso masyado yung title kaya di ko mapaliwanag. err.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s