Sigaw sa Pugadlawin

(A.N. This is a spoken poetry I’ve written for a competition. This was inspired by Juan Miguel Severo’s Corregidor, Bataan, and of course as per the competition’s rules, by the song “Estudyante Blues”)

 

 

Agosto 22, 1896.

Ano kaya ang nasa isip ng mga Katipunero nang araw na ito?

At bakit… bakit nila nagawang magtipon tipon.

Sama sama. sabay sabay.

Pinunit ang mga sedulang palatandaan ng kanilang paghihinagpis

At Pagnanais na kumawala.

Lumaya sa mga pang-aalipin

At di maktwirang pang-aapi ng mga kastilang mapagmalabis.

Nang araw na iyan, buong lakas silang sumigaw  “KALAYAAAAAAANNN!”

Ipinarinig sa lahat ang simula ng himagsikan

Hudyat na nais nilang makahinga sa nakakasakal na pamamahala

At tumigil sa pagiging sunud-sunuran sa mga mananakop

Na pilit tayong kinakadena.

Ngayong ika-12  ng Agosto taong dalawampu’t libo labing anim

Sampung araw bago ang anibersaryo ng pakikipaglaban ng mga bayani natin

Ako din ay sisigaw ng kalayaan.

KALAYAAN na pakinggan palagi at hindi minsan

KALAYAAN na ipaliwanag ang aking mga katwiran at dahilan.

Kagaya ng pilit kong pakikinig sa kanilang mga sermon.

Na paulit ulit araw araw

Sa almusal, sa tanghalian , sa hapunan

Nakaririndi, Nakakaumay,

Nakakasawa, Nakakaurat, nakakapagod

Kabisado ko na nga parang mga tao, petsa, at pangyayari sa pag-aaral sa libro na hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit pa kailangang pag-aralan

Bakit isasaksak sa aking kokote kung di ko kailangan

Ito ba ay may kabuluhan sa pang-araw araw kong buhay?

Kaya ba napapagalitan sa bahay o paaralan,

Sumasakit na ang ulo ko sa pag-intindi

Daig pa ang matematika ang siste

May X at Y pero palaging hinahanap si X,

Inaasam ngunit kahit saang sulok hindi makikita

Dahil wala na, natapos na, nagawa na.

Nagkamali na ako.

Sana naman ay maitanong rin ang “Y”

Kung bakit yun nagawa, o kung bakit ganun ang nangyari

O kung bakit ganito na ako.

Sana ay isipin rin ang kalagayan ko.

Isipin nyo rin na kailangan ko ang kalayaan,

Dahil ako ay tao

Kabataan na nangangailangan ng inyong pagkalinga at atensyon.

Patawarin nyo ako kung palagi na lang akong nasa barkada,

Dahil pag-uwi sa bahay palagi akong walang kasama

Dahil walang imik si Bantay, ang unan,  t.v , at wifi,

Kaya pupunta na lang sa  barkada, at sasama kung saan man lalarga,

Dahil kahit papaano, gusto ko rin sumaya at

Wag magmukmok sa kwarto.

Unawain nyo ako na minsan,

Ako’y inyong pakawalan,

Kagaya ng pagbitiw niya sa akin dahil nasasaktan na siya,

Kailangan kong huminga,

Tulad ng paghinge niya sa akin ng puwang,

Pangako hindi ko kayo iiwan

Hindi ako gaya niya na basta ka na lang iiwanan sa ere at hindi babalikan,

Nandito pa rin ako, mananatili sa tabi niyo

Pero sana ako rin ay inyong pagbigyan,

Sa aking mga kahilingan

Nais ko rin ng kaunting kalayaan,

Sana ako rin ay inyong maunawaan

Patawad sa aking mga mali at kasalanan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s